-- Advertisements --

Hinamon ni Quezon Rep. David Suarez ang radio-TV network na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy na patunayan ang alegasyon nito na gumastos si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng P1.8 bilyon sa mga biyahe nito.
Sinabi ni Suarez na dapat imbitahan ng House Committee on Legislative Franchises na pinamumunuan ni Parañaque Rep. Gus Tambunting hinid lamang ang brodkaster ng Sonshine Media Network International (SMNI) na nagpahayag ng alegasyon kundi maging si Quiboloy.

“I think it would be a prudent decision of the committee to invite the host. And I even, impose this challenge on them. Name your source, kasi ako, may dokumento akong hawak na nagsasabi kung magkano talaga ang ginastos ng House at ng Speaker sa kanilang travel. Dun sa sinasabi niyo P1.8 billion, kaya gusto kong malaman kung saan nanggaling,” pahayag ni Suarez.

Sinabi ni Suarez na posibleng hinugot lamang ang nasabing numero sa buwan at binanggit sa telebisyon, dahil base sa mga dokumento at papeles na hawak ng Kamara wala itong katotohanan.
Sinabi ni Suarez na bago nagbitiw ng alegasyon ay dapat siniguro muna ng brodkaster ang impormasyon nito.
Iginiit ni Suarez na ang network ni Quiboloy at ang host ng programa ay kapwa may pananagutan sa alegasyon.

“Well, I feel that the network and the host are both accountable. Kasi unang-una, pinalabas po ito sa show nila. Pangalawa, as journalists, responsable sila, dapat bago nila maglabas ng kung anomang news article o news report, it has to be validated. I mean I’m sure all of you members of media do the same. Especially when it comes to figures and data we consider to be of national concern,” pahayag ni Suarez.

Noong Martes ay nag-privilege speech si Suarez ay kinondena nito ang alegasyon na wala umanong basehan.

“I felt it incumbent upon myself, I need to clarify this issue on the floor because it affects and attacks the very integrity and dignity of the House of Representatives,” dagdag pa ng mambabatas.

Giit ni Suarez na bilang isang mambabatas tungkulin nitong siguraduhin na ang mga lumalabas na balita lalo na kung may kinalaman sa House of Representatives ay totoo.