ILOILO CITY – Putol ang mga paa at kamay at lasog-lasog ang katawan ng isang lalaki nang pinasabugan nito ng dinamita ang kanyang sarili sa Sitio Pag-asa, Brgy. Cabalagnan, Nueva Valencia, Guimaras.

Ang biktima ay kinilalang si Jury Gonzaga, 48, ng nasabing lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Edmer Entredicho, pinsan ng biktima, sinabi nito na stroke survivor ang mangingisdang si Gonzaga at mag-isa na lamang ito namumuhay.

Ayon kay Entredicho, nakahiga ito sa kanyang barong-barong nang narinig ang malakas na pagsabog at nang kanyang pinuntahan, doon na tumambad sa kanya ang wala nang buhay na pinsan nito.

Naniniwala naman ito na nagpakamatay ang biktima dahil matagal na nilang nakitaan ng senyales ng depresyon si Gonzaga.