Ano mang araw ay magsisimula na ang strikeforce ng Department of Justice (DoJ) Task Force Againts Corruption ng kanilang imbestigasyon kaugnay pa rin sa katiwaliaan sa gobyerno.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nais nilang isang maayos na mekanismo at sistema upang hindi raa bara-bara ang isasagawang imbestigasyon.

Sa ngayon ay tinatapos pa ng task force ang mga panuntunan sa pag-iimbestiga nila sa mga corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng DoJ na karamihan sa mga inireklamo sa DoJ ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Patuloy pa rin ang panawagan ng DoJ sa ating mga kababayan na kapag mayroon silang alam na katiwalian ay agad silang dumulog sa kagawaran.

Ang imbestigasyon na isasagawa ng DoJ ay kasunod na rin ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang mga corrupt na ahensiya ng pamahalaan maging ang mga opisyal nito.