-- Advertisements --

CEBU CITY- Ipinatupad na ang ‘strict border control restriction’ sa probinsya ng Cebu.

Ito ay matapos nagbigay si Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ng 48 hours sa mga indibidwal na temporaryong nakatira sa Cebu City na gustong umuwi ng Cebu province at sa mga gusto namang umuwi ng Cebu City matapos isinailaim ang Cebu City sa ECQ.

Sa press conference ng gobernadora nilinaw nito na mas hihigpitan nila ngayon ang border control at tanging essentials at frontliners lang ang makakapasok.

Ngunit nilinaw din ng goberndora na kailangan pa rin ng mga ito hindi kang ang COE kundi pati na ang kanilang ID lalo na sa mga essential workers.

Ang pagpapaimplement ng border control ang nasa EO-17 ng governor na ipinatupad noong isinailalim sa ECQ ang probinsya.

Samantala, aabot na 6,897 ang natalang kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Cebu kung saan nadagdag ang 171 new cases.

Sa naturang bilang 3,916 ang active cases at 2,772 ang recoveries.

Aabot naman sa 209 ang death toll.

Habang aabot naman sa 4,609 ang natalang kaso dito sa lungsod ng Cebu
dahil sa nadagdag na 70 new confirmed cases. Pero may nadagdag namang 79 new recoveries.

Ang total active cases ng lungsod ay nasa 2,169 habang 2,321 naman ang mga gumaling na. Ngunit sa kasamaang palad may 19 na nadagdag sa mga namatay dahil sa virus kung saan aabot na sa 119 ang death ng lungsod.