-- Advertisements --
Nakabyahe na ang maraming stranded na sasakyang pandagat sa mga pantalan na naapektuhan dati ng bagyong Bising.
Ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa maaari nang makabyahe para makatawid sa dagat ang mga regular na pasahero, truck drivers, cargo helpers, vessels, motorbancas at rolling cargoes.
Maging ang pangingisda ay maaari na ring magpatuloy.
Una rito, kilo-kilometro ang haba ng mga sasakyan sa Matnog Port sa Sorsogon nitong mga nakalipas na araw dahil sa pagbabawal na makabyahe ang mga ito, bunsod ng malalaking alon na dala ng typhoon Bising.
Gayunman, pinag-iingat pa rin ng PCG ang mga nasa Northern Luzon dahil sa nananatiling epekto ng bagyo sa naturang lugar.