-- Advertisements --

Sumigla ang trading nitong Martes para sa Philippine Stock Exchange (PSE).

Ayon sa mga analyst, dulot ito ng anunsyong nag-flatten na ang curve o bumaba na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Batay sa record, umangat ng 98.18 points o 1.65% para maitala ang 6,034.03 sa closing bell.

Sa over all shares naman ay tumaas ng 46.57 points o 1.31% na umabot sa 3,604.58, bago nagsara ang daily trading.

Ayon kay equity analyst Christopher San Pedro, maraming investor ang nahikayat sa “bargain hunting” ngayong nakitaan na ng magandang indikasyon ang paghawak ng mga otoridad sa COVID cases sa bansa.