Kinasuhan ng dating kasamahan sa bandang The Police ang singer na si Sting.
Ito ay matapos na mawalan ng royalties ang banda sa mga kantang ginawa nila mula 1977 hanggang 1984.
Isinampa ng gitaristang si Andy Summers at drummer Steweart Copeland ang reklamo sa High Court.
Base sa reklamo nila na hindi sila nabayaran ng tama sa kontribusyon nila sa mga kantang”Roxanne” at “Every Breathe You Take”.
Bagamat walang writing credits silang natanggap sa kanta ay nagkaroon silang oral agreement na paghahatian ang kita mula pa noong 1977 at ito ay kanilang napirmahan sa isang kontrata.
Itinanggi naman ni Sting ang alegasyon na hindi nabayaran ang mga dating ka-banda nito.
Binuo ang banda noong 1977 at naging matagumpay sila sa United Kingdom.
Taong 1984 ng magkakahiwalay sila kung saan bumuo ng sariling banda ang lead singer na si Sting o Gordon Sumner sa tunay na buhay.