Nasilat ng Golden State Warriors ang Boston Celtics matapos na itumba sa Game 4 sa NBA Finals sa score na 107-97.
Sa ngayon tabla na ang serye sa tig-dalawang panalo.
Sa una at ikalawang quarters ay ay abanse pa ang Boston pero pagsapit ng third quarter ay dito na humabol ang Warriors hanggang sa 4th quarter sa makapigil hininga na palitan ng kalamangan.
Inalat pa kasi sa huling sandali ang Celtics na sumablay sa anim na pagtatangka.
Bumida pa rin sa panalo ng Warriors ang superstar na si Stephen Curry na kumamada ng 43 big points at 10 rebounds.
Sa kampo ng Boston nasayang ginawang diskarte ni Jayson Tatum na may 23 points at 11 rebounds, si Jaylen Brown ay nagpakita naman ng 21 points.
Batay sa kasaysayan ng NBA si curry ang ikatlo sa may edad na players na nakapuntos ng mahigit sa 40 points sa NBA Finals.
Ang Game 5 ay babalik muli sa Golden State sa Martes doon sa kanilang homecourt sa San Francisco.