-- Advertisements --

Tumulong sa go-ahead hoop ni Kelly Oubre Jr. si Draymond Green sa huling 1:42 ng laro at sinundan ni Stephen Curry na mayroong 37 points para matulungan ang Golden State Warriors na makamit ang 117-113 victory kontra Sacramento Kings.

Ang ikalawang sunod na panalo na ito ng Golden State Warriors ay nagpapataas sa kanilang tiyansa na makakuha ng playoff spot sa Western Conference at para makamit din nila ang kanilang 2-1 season-series victory kontra sa kanilang Northern California rival.

Ang pagkatalo na ito ay may malaking epekto para sa Kings, na anim na larong kulelat sa Golden State sa kanilang karera para sa playoffs.