Pinayagan na rin ang mga fans na makapanood sa unang pagkakataon sa NBA game sa San Francisco, kasabay din upang saksihan nila kung paano tinambakan ng kanilang team na Golden State Warriors ang bumibisitang Denver Nuggets.
Bago nagsimula ang game, nagbigay ng welcome address si Stephen Curry at hindi naman siya binigo upang ipagsigawan ang kanyang pangalan at sinabayan ng “M-V-P,” “M-V-P!” chant.
Muli na namang nagpakitang gilas si Curry na tumipon ng 32 points para tulungang ilampaso ng Warriors ang Nuggets, 118-97.
Sumuporta rin si Draymond Green na nagtala ng 19 assists at 12 rebounds.
Sa ngayon meron ng 30-30 kartada ang Warriors, habang hawak naman ng Nuggets ang 38-21 record.
Agaw atensiyon din sa mga fans ang matchup ng dalawang MVP candidates na sina Curry at Nikola Jokic na hindi rin nagpahuli sa 19 points.