-- Advertisements --

Nagsagawa ng kabi-kabilang protesta ang mamamaya mula sa iba’t ibang estado dahil sa ipinatutupad na stay at home order mapigilan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus.

Karamihan sa mga nagprotesta ay galit dahil sa umano’y economic ramifications na dulot ng naturang patakaran.

Batay kasi sa isinagawang survey ng mga economists ay tinatayang umabot na ng halos 5.5 milyong Amerikano ang naghain na ng kanilang unemployment application insurance ngayong linggo.

Kasunod ito ng debate sa pagitan nina President Donald Trump at US governors hinggil sa pagpapatupad ng mas maluwag na patakaran.

Sakay ng kani-kanilang mga sasakyan ay nagtungo ang mga tao sa Michigan sa state capitol ng estado habang bitbit ang kanilang mga placards at sabay-sabay na kinondena si Democratic Gov. Gretchen Whitmer.

Tinawag itong “Operation Gridlock” dahil nais umano ng mga nag-protesta na makuha ang atensyon ng gobyerno sa pamamagitan nang idinulot nilang traffic.

Inutusan naman ng daan-daang nagkilos-protesta si Democratic Gov. Andy Beshear na muling buksan ang Kemtucky. Nagawa rin ng mga ito na guluhin ang televised speech ni Beshear.