-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Science and Technology na maaaring maranasan ang matinding init ng panahon na pumapalo sa 40 degrees celsius sa ilang lugar sa Northern Luzon partikular na sa Cagayan valley region sa Abril o Mayo.

Ang pinakamataas na naitalang temperatura ngayong taon ay nasa 37.1 degrees celsius sa Zamboanga city noong Pebrero 15.

Sa ngayon, ayon sa ahensiya, hindi pa nararanasan ang matinding init dahil inaasahang magtatagal pa ang Amihan season sa loob ng 2 hanggang 3 pang linggo.

Bagamat nag-peak at nag-mature na ang El Nino noong nakalipas na buwan at inaasahang hihina na ito, mararamdaman pa rin ang epekto nito sa sunod na 3 buwan.

Base sa datos ng DOST, nasa 24 n aprobisniya sa bansa ang nakakatanas ng tagtuyot o 60% na pagbaba mula sa average rainfall sa loob na ng 3 magkakasunod na buwan.