Pormal nang inilunsad ang Bantay Senado, isang non-partisan citizens group ngayong Lunes, unang araw sa buwan ng Hunyo.
Ang naturang grupo ay magsisilbing ‘citizens monitoring group’ na layon bantayan at tutukan ang mga magiging kaganapan sa senado partikular sa pagdinig nito sa ‘impeachment’ kontra kay Vice President Sara Duterte.
Ang bagong ‘citizens monitoring group’ ay binubuo ng mga estudyante, young professionals, abogado, mga nasa akademiko, civil society organizations at iba pa
Paglilinaw ng grupo na ang hakbang ito ay hindi nagpapakita ng anuman posisyon patungkol sa pagiging inosente o may sala man ng ikalawang pangulo.
Giit nila’y ang paninindigan ng binuong samahan ay mabigyan paggalang ang ‘constitutional process’ at magiging papel ng publiko sa magaganap na impeachment trial sa senado.
Binigyang diin ng Bantay Senado na ang paglilitis ay hindi patungkol lamang sa politiko, partido, o eleksyon kundi ang desisyon ay dapat nakabatay sa ebidensya at batas nang walang pinapaburan.
Inaasahan na magsasagawa ang ‘citizens watchdog’ ng lingguhan pampublikong ‘town hall meetings’ sa mga eskwelahan, barangay, simbahan, at mga komunidad.
Kasama aniya nila sa programa ang mga eksperto sa batas, social media influencers at civil society leaders na siyang magsasalita patungkol sa impeachment.
Plano din ng grupo na maglunsad ng ‘nationwide signature campaign’ para himukin ang mga mambabatas bilang Senator-Judges na gampanan ng maayos at patas ang kanilang tungkulin sa paglilitis.
Habang sa pag-uumpisa ng impeachment trial ay magse-setup sila ng mga ‘community watch venues’ sa bansa para sama-samang i-monitor ang senado.















