CAUAYAN CITY- Maitututring na Makasaysayan ang kauna-unahang state of the Union Address dahil isa sa naging sentro nito ang kasalukuyang krisis sa Ukraine.
Ito ay matapos siyang magbigay ng ilang pahayag sa kasalukuyang kaganapan sa Ukraine dahil sa pananakop ng Russia.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Arnedo Valera, isang immigration lawyer and analyst sinabi niya na isa sa mga tinutukan ay ang mga binitawang salita ni US President Joe Biden sa pagiging agresibo ng Russia sa ginagawa nitong pananakop sa Ukraine.
Inihayag rin ni US president Biden na isasara nito ang air space ng US para sa lahat ng mga Russian flights kasabay ng pagdedeklara rin ng travel ban ng ilan pang allies o NATO member nations na inaasahang magdudulot ng epekto sa ekonomiya at commerce industry ng Russia.
Sa kabila ng pagkondena nilinaw ni Pres. Biden na hindi ito magpapadala ng US troops sa Ukraine subalit hindi ito nangangahulugang pababayaan ng US ang naturang Bansa.
Naging sentro rin ng State of Union Address ni Biden ang ilang domestic isues ng Estados Unidos kung saan ipinunto nito ang kahalagahan ng muling pagpapalakas sa Ekonomiya ng bansa kasabay ng pag-alis ng mask mandate at paghihikayat sa mga tao na mag-pabooster shot kontra COVID-19 19.
Inanunsiyo rin ni US Pres. Biden ang pagbili ng mga Anti COVID pill bilang bahagi parin ng kanilang COVID response.
Inaasahan naaman na sa mga sususnod na taon ang pagkakaroon ng 500,000 electric vehicle charging station kasabay ng pagpapalakas at pagpapabilis pa ng kanilang internet connectivity sa kabila ng nararanasang inflation dahil sa tumataas na cost ng manufacturing industries.
Muli rin nitong binigyang diin ang pagiging malakas ng state of the Union sa kabila ng patuloy na aggression ng Russia.