-- Advertisements --
image 368

Umapela si Senator Francis Tolentino sa Malakanyang na magdeklara na ng State of National Emergency sa bansa, kasabay ng lalo pang lumalala na epekto ng African Swine Fever.

Inihain ni Tolentino ang Senate Resolution no.56 na may layuning ideklara ang State of National Emergency sa buong bansa, upang magamit na ng Department of Agriculture at mga LGUs ang kanilang emergency fund para tuldukan ang problema sa ASF.

Malaking tulong aniya ang Quick Response Fund na maidadagdag sa kasalukuyan nilang pondo upang matugunan ang problema, at matiyak na hindi na labis pang maapektuhan ang hog industry sa bansa.

Ayon sa Senador, maaaring ding gamitin ng Malakanyang ang iba pang savings ng pamahalaan para mapunan ang mga kinakailangan pang pondo.

Ang local swine industry kasi aniya ay isa sa pinakamalaking livestock sector sa bansa at pangalawa sa pinakamalaking contributor sa sektor ng agrikultura bansa.

Sa kasalukuyan, mayroong pitong rehiyon sa bansa na apektado ng ASF.