-- Advertisements --

Nagdeklara ng state of emergency si Bolivia President Rodrigo Paz.

Kasunod ito sa ilang linggo ng kilos protesta dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at krisis sa pulitika.

Ang mga protesters na supporters ni dating President Evo Morales ay nanawagan kay Paz na magbitiw sa puwesto.

Maraming kalsada ang isinara na nagdulot ito ng kakulangan ng pagkain, langis at suplay ng gamot sa bansa.

Sinabi pa ng Bolivian President na pinakilos na niya ang mga kapulisan at militar para maibalik ang katahimikan.

Depensa nito na ang pagdeklara niya ng state of emergency ay para maibalik sa normal ang kalagayan ng Bolivia kung saan pawang mga organized group lamang ang nagsagawa ng kaguluhan sa lugar.