-- Advertisements --
DAVAO CITY – Idineklara na ang state of calamity sa buong probinsiya ng Davao de Oro matapos aprubahan ng sangguniang panlalawigan ang panukala sa pamamagitan ng inilabas na Resolution No. 1813-2022.
Inrekomenda ito ni Disaster Risk Reduction and Management Council head at Governor Jayvee Tyron Uy, para agad na matulungan ang mga residente sa lalawigan na apektado ng malawakang pagbaha dulot ng low pressure area (LPA) sa Mindanao na nagresulta sa pagkasira sa mga imprasktraktura, agrikultura at hanapbuhay ng mga residente sa Davao de Oro.
Gayunman nabigyan na rin ng inisyal na relief assistance ang mga apektadong residente at nakabalik na rin ang karamihan sa mga ito sa kanilang mga bahay.
















