-- Advertisements --
image 33
Source: Google

Nakatakdang isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom.

Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng namayapang reyna para sa isang committal service.

Ngunit bago iyan ay ibabiyahe muna ang kaniyang mga labi mula sa remote estate patungo sa Palace of Holyroodhouse sa Edinburgh at mula doon at dadalhin naman ito sa St. Giles’ Catheral kung saan ito mananatili hanggang sa Martes, September 13.

Habang pagsapit naman ng Miyerkules ay ililipat ito patungong Buckingham Palace sa London, bago ang lying-in-state sa Westminster Hall.

Sa kasaluyan ay nakalagak sa ballroom ng Balmoral Castle sa northeast Scotland ang mga labi ng yumaong reyna.

Ang kaniyang kabaong naman ay nababalot Royal Standard para sa Scotland, at napapalamutian ng wreath of flowers sa ibabaw.