-- Advertisements --

Ikinalungkot ni Sen. Bong Revilla ang pagpanaw ng kanyang staff na namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang Facebook post, kinumpirma ni Revilla ang pagkamatay ng kanyang staff na kaibigan din nya sa loob ng halos 30 taon.

Humingi ng dasal ang senador sa publiko para sa mga nauilila ng pumanaw na COVID-19 case.

“Everything was so fast and sudden. He has been with me mula sa pag-aartista – through the ups and downs, the thick and thin – tapos ngayon wala na siya,” ani Revilla.

Kasabay ng dasal, nagpasalamat din ang mambabatas sa kanyang kaibigan na nananatili umanong naka-suporta sa kanya nang malagay siya sa mga mabibigat na pagsubok.

“Pero ngayon, napakabilis ka namang kinuha sa amin, at ‘ni huling pamamaalam, hindi namin pwedeng ibigay sa’yo. Napakasakit.”

“We had a good run. I will miss you. It will not be the same.”

“Mga kababayan, napakabagsik ng sakit na ito. At sa pagdapo nito kung kanino, daig pa ang napakatalas na punglo na babaon sa puso ng mga nagmamahal sa’yo.”

“Dalangin kong huwag na mapagdaanan pa ninuman ang sakit na pinagdadaanan namin ngayon.”