-- Advertisements --

Pormal na inihain ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza ang Dagdag PERA Bill o House Bill 6537.

Ang hakbang na ito ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang at paggunita ng National Government Employees Week na layong magbigay ng malaking ginhawa at seguridad sa mga kawani ng gobyerno.

Ayon sa panukala ni Representative Mendoza, ang halaga ng PERA ay itataas mula sa kasalukuyang ₱2,000 tungo sa mas malaking halaga na ₱7,000.

Bukod pa rito, ang panukalang batas ay naglalaman din ng probisyon para sa pagpapatupad ng automatic inflation adjustment.

Ito ay nangangahulugan na ang halaga ng PERA ay maaaring baguhin batay sa itatakda ng Department of Budget and Management (DBM) alinsunod sa pagbabago ng inflation rate.

Dagdag pa rito, ang PERA ay mananatiling non-taxable, ibig sabihin, hindi ito sasailalim sa anumang buwis.