-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng pamahalaang lokal ng Misamis Occidental ang magandang peace and order situation na nararanasan ngayon na siyang naging daan sa pag-unlad ng probinsiya, mula sa pagiging lugar na talamak sa mga krimen sa Mindanao.

Ibinahagi ni Gobernador Henry Oaminal ang tagumpay ng mga inisyatibo sa peace and order sa Misamis Occidental na bumago dito para maging isa sa mga nangungunang lalawigan sa Northern Mindanao pagdating sa kaunlaran.

Ayon sa gobernador ang milestones ng pag-unlad ng lalawigan na nakamit nito sa loob ng isang dekada lamang, tulad ng sa imprastraktura, trabaho, at ekonomiya.

Inihayag ng gobernador na bago nila nakamit ang pagbabago at kaunlaran ay kanilang hinarap ang malaking hamon sa krimen, pagrerebelde, at maging ang terorismo.

Aniya, muntik ng maging “drug at organized crime capital ng Mindanao,” ang lalawigan kung hindi pinalakas ang peace and order initiatives.

Ang probinsiya ng MissOcc ay kilala sa presensiya ng Kuratong Baleleng Gang at ng armadong mga rebelde.

Ang pagbabago sa lalawigan ay dahil umano sa kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan o LGU sa mga inisyatibo sa pagpapatibay ng law enforcement efforts, at pati na rin sa polisiya ng administrasyon ng dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Ngayong nababantayan na ang kriminalidad sa lalawigan, tuloy-tuloy na ang pagsulong Misamis Occidental.

Masayang ibinalita din ng gobernador na mula sa pagiging isa sa mga mahihirap na lalawigan, nagtala ang Misamis Occidental ng “katangi-tanging pagbabago sa poverty incidence sa mga pamilya,” batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula sa 32.7% poverty incidence noong 2018, ito ay naging 23.3% noong 2021 at patuloy pa itong bumaba kamakailan sa 18.30%