-- Advertisements --

Itinakda ng Social Security System (SSS) sa December 29 ang deadline para sa pagkuha s amga unclaimed Unified Multi-Purpose Identification (UMID) cards.

Nananatili kasing marami ang mga naturang ID cards na hindi pa nakukuha ng mga may-ari na unang nag-apply mula pa noong Agosto-2017 ganggang nitong Disyembre-2020.

Ayon sa SSS, pagkatapos ng deadline ay isasalang na nito sa disposal process na sinusunod ng nito.

Kasabay nito ay pinayuhan ng SSS ang mga miyembro nito na unang nag-apply ng UMID ID na i-check lamang ang status ng kanilang applikasyon.

Maalalang mula noong Pebrero 2023 ay itinigil na ng SSS ang pagtanggap ng applikasyon para sa naturang ID.

Samantala, kasama rin sa deadline yaong mga UMID ID cards na nasa pag-iingat ng Philippine Postal Corp. (PHLPost) na una nang tinangkang ideliver sa mga may-ari ngunit hindi naging matagumpay ang delivery.