-- Advertisements --
Sri Lankan President Maithripala Sirisena
Sri Lankan President Maithripala Sirisena/ IG post

Pinalawig pa ng isang buwan ang state of emergency sa Sri Lanka matapos ang Easter Day bomb attacks sa hotels at simbahan na ikinasawi ng 250 katao.

Napapaloob sa batas na ang mga security forces ay maaaring imbestigahan ang mga suspek kahit na walang anumang court orders.

Umabot na sa mahigit 100 katao ang naaresto matapos ang isinagawang crackdown na ito ay kagagawan ng Islamic States.

Paglilinaw ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena, na kaya niya pinalawig ang emergency ay dahil na rin sa kagustuhan ng publiko para sa na rin sa kanilang kaligtasan.

Ipinagmalaki ng mga otoridad na mula ng ipatupad ang state of emergency ay maraming teroristang grupo na ang kanilang nabuwag.

Pagtitiyak naman ng pangulo na kaniyang tatanggalin ang emergency kapag nakabalik na sa 99 percent ang sitwasyon ng kapayapaan sa kanilang bansa.