-- Advertisements --

Nagdeklara na ng nationwide state of calamity sa crisis-hit South Asian country na Sri-lanka ilang oras makaraang umalis ng bansa si President Gotabaya Rajapaksa patungong Maldives.

Walang katiyakan sa ngayon kung hanggang kailan magtatagal ang ipianpatupad na state of emergency sa naturang bansa

Ayon kay Dinouk Colombage, tagapagsalita ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe, idineklara ang emergency sa kanilang bansa upang mapangasiwaan ang kasalukuyang sitwasyon sa kanilang bansa ngayong umalis na ng bansa ang kanilang Pangulo.

Ayon sa mga police, magpapatupad rin ng indefinite curfew sa buong Western Province kabilang ang capital ng Colombo para makontrol ang lumalawak na kilos-protesta matapos ang pagtakas ng Pangulo patungong Maldives lulan ng military aircraft.

Una rito, tumakas si President Rajapaksa kasama ang kaniyang asawa at dalawang bodyguards sakay ng Antonov-32 military aircraft patungong Maldives subalit walang pormal na anunsiyo ng pagbibitiw nito sa pwesto.

Bago pa man ang pagbibitiw ng Pangulo ng Sri Lanka, ilang serye na ng kilos proetsta ang isinagawa ng mamamayan dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiy ng naturang bansa.