-- Advertisements --

Planong mamigay ng kaukulang gantimpala ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa mga mangangalakal na sumusuporta sa lokal na mga magsasaka.

Ito ay upang hikayatin ang mga mangangalakal ng asukal na suportahan ang lokal na mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga produkto sa mas mataas na presyo bilang kapalit ng garantisadong alokasyon sa mga susunod na pag-aangkat ng gobyerno.

Pinapahintulutan din ng SRA sa ilalim ng Sugar Order No. 2, ang mga mangangalakal na bumili ng 300,000 metric tons (MT) ng lokal na hilaw na asukal.

Sa hakbang na ito inaasahan na hindi ito magdudulot ng pabago-bagong farm-gate prices habang tinitiyak ang patas at makatuwirang mga retail prices para sa mga mamimili.

Samantala, naniniwala rin si SRA administrator Pablo Luis Azcona na kinakailangan suportahan ang mga traders na sila ring sumusuporta sa ating local farmers upang makamit ang magandang farm-gate price. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)