Tiniyak ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona sa mga magsasaka na committed ang Marcos administration na panatilihin ang millgate prices ng asukal sa P3,000 kada 50-kilo bag (LKg) para maprotektahan ang mga ito.
Ito ay sa gitna ng pangamba ng sugar farmers na ang millgate prices ay posibleng bumagsak ng mas mababa sa P3,000 per LKg sa pagsisimula ng milling season sa Setyembre.
Sinabi din ni Azcona na target ng adminsitrasyon na mapanatili ang farmers’ price sa P3000 kada 50 kilo bag o P60 kada kilo bag para sa kanilang raw sugar.
Habang P85 kada kilo naman para sa retail price ng refined sugar.
Tiniyak din ng SRA official na mayroong sapat na suplay ng asukal ngayong crop year subalit iginiit din ang pangangailangan para sa pag-upgrade pa sa industriya ng asukal sa Pilipinas para maging globally competitive.