Emosyonal na tinanggap ni dating four-time NBA champion Manu Ginobli ang kaniyang Naismith Basketball Hall of Fame.
Pinagsigawan ng mga fans nito ang kaniyang pangalan habang nagtatalumpati sa Symphony Hall sa Springfield, Massachusetts.
Kasama niyang tinanghal sa 2022 Hall of Fame Class sina five-time NBA All-Star Tim Hardaway, WNBA stars Swin Cash and Lindsay Whalen, NBA coaches George Karl at Del Harris at WNBA coach Marianne Stanley.
Ayon sa Argentinian player na bilang manlalaro na anumang karangalan na kaniyang natatanggap ay isang karangalan na rin sa koponan.
Dagdag pa nito na wala siya sa nasabing okasyon kung hindi siya naging bahagi ng dalawang koponan noong 2000 ang San Antonio Spurs na nagwagi ng apat na NBA championship at Argentina team na nagwagi ng gintong medalya noong 2004.
Naging malaking tulong sa kaniyang pagkakilala sa NBA Hall of Fame dahil sa tulong ng kaniyang mga kasamahan na sina Tony Parker at Tim Duncan at sa kanilang coach na si Gregg Poppovich.
Ang 45-anyos na si Ginobli ay nagwagi ng apat na championship sa loob ng 16 na seasons noong ito ay nasa Spurs.