-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Hollywood actor Tom Holland ang hindi nito paggamit ng social media.

Ayon sa “Spiderman” actor, nais lamang niyang tutukan ang kanilang mental health.

Kuwento nito na nagkakaroon ng epekto sa kaniyang mental health ang mga nababasa nito sa mga iba’t-ibang social media platform.

Humingi ito ng pang-unawa sa kaniyang mahigit 67 million Instagram followers na ito ay mawawala muna sa social media.

Pinayuhan nito ang mga fans na huwag mahiyang manghingi ng payo o tulong kapag dumaranas na sila ng problema sa kanilang mental health.