Bumisita sa kulungan na kanyang pinanggalingan at namigay ng pizza sa mga kapwa preso si Paolo Felizarta alyas ‘Spider-Man’.

Nakulong si Felizarta matapos nitong manggulo sa 2019 PBA Philippine Cup finals habang nakasuot ng spider-man costume.

Sa kanyang vlog na ibinahagi sa Youtube, habang suot ang kaniyang spider-man costume ay binisita nito ang kanyang mga kasamahan noon sa kulungan.

Hindi naman maitago ng mga inmates ang kanilang kasiyahan na muling nakita ang kanilang kaibigan.

“They treated me well so I have to give back,” ayon kay Felizarta.