SPICE GIRLS
Spice Girls / FB photo

Dinaluhan ng maraming mga fans ang sikat na 90’s girl group na Spice Girls kaugnay ng kanilang pinakakaabangang reunion tour.

Nagsimula ang tour sa Dublin, Ireland kung saan maaga pa lamang ay bumuhos na ang mga tao sa pag-aantay.

Unang kinanta ng grupo ang kanilang popolar na awiting “Spice Up Your Life”.

Ang Spice Girls ay binubuo nina Scary, Sporty, Ginger at Baby Spice.

Hindi naman nakasama si Mel B dahil nagkaroon ito ng iritasyon sa kaliwang mata.

Mayroon pang 12 shows ang grupo na gagawin naman sa Dublin, Wales, England at Scotland.