-- Advertisements --

Inamin ni dating Customs commission Isidro Lapeña na may basehan ang mga banat ni Sen. Panfilo Lacson laban sa nagpapatuloy pa rin umanong korupsyon sa loob ng Bureau of Customs (BOC).

Bagamat tumangging magbigay ng detalye, inamin ni Lapeña na talagang mahirap ang sitwasyon sa loob ng Customs bilang dati itong umupo bilang hepe ng tanggapan.

“Yung privilege speech ni Senator Lacson, I would say, has basis, ‘yung sinabi niya.”

“Kung anong tanong mo ay ga’no kahirap ‘yung situation, I would say na mahirap ‘yung situation doon but it is something that can be addressed, puwede pa ring ma-reform.”

Kung maaalala, inilipat ni Pangulong Duterte si Lapeña bilang pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa gitna ng issue ng mga nakalusot na magnetic lifters noon na sinasabing pinaglagyan ng iligal na droga.

Sa kabila nito tiwala si Lapeña na kahit papano ay naging epektibo ang kanyang pamamalakad sa BOC dahil sa ilang reporma sa sistema.

Sa kanyang privilege speech kamakailan binanatan ni Lacson ang umano’y tara system na hindi pa rin mamatay sa loob ng BOC.

Nagpasarin din ito sa pangulo, at hinamon ang kasalukuyang pinuno ng Customs na si retired military Gen. Leonardo Guerrero na linisin ng husto ang ahensya.