-- Advertisements --

Bumida ang dalawang tinaguriang Splash Brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson makaraang pangunahan ang panalo ng Golden State Warriors laban sa Memphis Grizzlies, 110-96, sa Games 6 ng NBA semifinals.

Dahil dito pasok na ang Warriors sa Western Conference Finals matapos na tapusin ang serye sa 4-2.

Hindi nagpaawat si Thompson nang maipasok ang walong mga 3-pointers para sa kabuuang 30 points. Habang si Curry ay kumamada naman ng 29 kasama na ang anim na 3-pointers.

Ang spectacular shooting performance ng dalawa ay walang maisagot ang Grizzlies.

Liban nito, wala ring pantapat ang Grizzlies sa Warriors pagdating sa rebounds na inabot ang record sa 70-44.

Nagpadagdag din sa kamalasan ng Memphis ay hindi pa rin nakalaro sa kanila ang All-Star guard na si Ja Morant sa ikatlong pagkakataon dahil sa injury.

Pinilit naman nina Dillon Brooks na may 30 points at career-best na seven 3-pointers pero nag-collapse pa rin sa huli nang patawan siya ng second flagrant foul sa serye.

Si Desmond Bane ay nagdagdag naman ng 25 puntos sa bigong kampanya.

Ang third-seeded na Warriors ay makakaharap naman sa conference finals ang magwawagi sa pagitan ng Phoenix versus Dallas.

Ang Game 7 ng Phoenix at Mav ay gagawin sa Lunes.
.