-- Advertisements --

Sisimulan na bukas, Martes, Abril 7, ng Korte Suprema ang oral arguments sa apat na pinagsamang petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng unprogrammed funds at special accounts sa pambansang badyet mula 2024 hanggang 2026.

Dahil sa pagtitipid sa transportasyon, inilipat ang mga oral argument mula Baguio City patungong Manila.

Kasama sa mga petisyon: ang Lagman et al. vs Congress, Pimentel III & Alvarez vs Bersamin & Pangandaman, ang Filipinos for Peace, Justice and Progress vs House of Representatives, at Erice & De Lima vs Senate.

Hiniling ng mga petitioner na kinabibilangan ng mga mambabatas, taxpayers, at concerned citizens, na ipawalang-bisa ang mga adjustments ng Bicameral Conference Committees na nagpalobo sa badyet sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.

Nakatakda namang isagawa ang ikalawang araw ng oral argument sa Abril 21.