-- Advertisements --
Muling nagpakita ng kanyang all-around play ang 22-anyos na si Luka Doncic upang bitbitin ang Dallas Mavericks sa panalo sa thriller game laban sa Washington Wizards, 125-124.
Nagpakita ng triple-double performance si Doncic na may 32 points, 20 assists, at 12 rebounds upang dalhin ang Mavs sa ika-limang pwesto sa Western Conference.
Para kay coach Rick Carlisle, ang spectacular play ni Luka hanggang sa huling sandali ang nagbigay lakay sa team upang malusutan ang Wizards.
Makapigil hininga ang laban dahil hindi rin nagpahuli sa kanilang diskarte sina Russell Westbrook na may 42 points, 10 rebounds at 9 assists, at si Bradley Beal na nagpakita ng 29 points.
Naghahabol naman ang Wizards na makapasok sa play in ng NBA playoffs.