KORONADAL CITY โ Agad na bumuo ng special investigation task group (SITG) ang PNP-12 na tututok sa imbestigasyon ngayon sa nangyaring bus bombing sa lungsod ng Tacurong.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay P๐๐๐ ๐ogelio Raymundo, ๐๐๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ at ๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐ฎ๐ฌ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ง๐๐๐ซ, malinaw ang direktiba sa special task group na kilalanin ang responsable sa pagpapasabog upang panagutin sa kanilang ginawa.
Ayon kay Raymundo,nagsimula na ang task group sa malalimang imbestigasyon at sa katunayan, hawak na nila ang CCTV footage ng mismong sumabog na bus.
Aminado naman ang opisyal na mahirap pa ngayon na ma-identify kung nakababa ang mismong bomb carrier o kasama sa mga sugatan dahil dalawang beses na huminto ang bus bago nakarating sa lungsod ng Tacurong.
May sinusundan nang anggulo ang task group ngunit tumanggi muna si Raymundo na ibahagi ito.
Sa ngayon naka-red alert status ang pulisya sa buong Region 12 kung saan ipinapatupad na rin ang mahigpit na checkpoint papasok at palabas sa mga strategic areas.
Maliban dito, ipinag-utos na rin ang dagdag na police visibility at mga mobile patrollers.
Kasabay nito, humingi ng kooperasyon ang pulisya sa mga mamamayan na tulungan silang magbantay at maging vigilante upang hindi na maulit pa ang insidente.