-- Advertisements --

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP para imbestigahan ang pagpaslang kay P/MSgt. Roel Candido ng Manila Police District (MPD) Station 11.


Si Candido ay reresponde sana sa nangyaring holdapan sa kahabaan ng Florentino Flores street sa Sta. Cruz, Maynila hapon nuong Sabado, September 18,2020 ng barilin patay.

Kahapon, binisita ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan ang burol ni Candido at nangako ito sa pamilya na hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga pumatay sa kaniyang tauhan

Tiniyak din ni Cascolan ang sapat na tulong para naman sa naiwang pamilya ni Candido at kaniya rin itong kinilala dahil sa pagbubuwis ng buhay sa ngalan ng tawag ng tungkulin.

Una rito, sasagipin sana ni Candido ang tatlong biktimang sakay ng isang kotse mula tatlong armadong suspeks nang mapadaan ito sa nasabing lugar subalit naunahan siya ng mga ito.

Napadapa si Candido at nagtaas na ng kamay subalit tila hindi pa nasiyahan ang mga salaring nakasuot ng fatigue uniform ng Pulis ay maka-ilang ulit itong pinaputukan at saka kinuha pa ang kaniyang service firearm.


Dahil dito, inatasan na ni Cascolan ang National Capital Region Police Office gayundin ang Manila Police District na bumuo ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang ginawang pagpaslang sa kanilang kabaro.

Inihayag din ng PNP na premature pang sabihin na pulis ang isa sa mga suspek na bumaril kay Candido.

Pinasisiguro ni Cascolan mananagot ang mga salarin.