Agad bumuo ng isang Special Investigation Task Group ang Philippine National Police(PNP) para tutukan ang pamamaril kahapon sa isang abogado sa Bangued, Abra.
Ang naturang task group ay papangunahan ni Abra Police Provincial Office Director PCol. Froiland Lopez.
Maalalang kahapon nang pinagbabaril sa harapan ng kanyang tahanan ang abogadong si Atty. Maria Sanita Liwlia Gonzales Alzate sa Barangay Zone 2, Bangued.
Kasalukuyan na rin ang ginagawang follow-up operation ng PNP ukol sa nasabing kaso, kasama na ang pag-aaral sa nakuhang CCTV footage sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril.
Una nang sinabi ng Pulisya na dalawang indibidwal na sakay ng motorsiklo ang umano’y may gawa sa nasabing pamamaril.
Gayonpaman, wala pang inilalabas na pangalan ng mga gunman.