Naniniwala si Deparment of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro a may ilang mga pulitiko sa bansa ang nakakatanggap ng suporta mula sa China para paingayain ang kanilang operasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isinagawang pagdinig sa House committee on appropriations budget ng (DND) tinanong ni Akbayan Party-list Representatives Dadah Ismula si Teodoro kung may credible ito ng impormasyon sa mga halal na opisyal na tumanggap ng suporta mula sa China ay sinabi nito na meron itong credible source ukol sa nasabing usapin.
Subalit sinabi ni Teodoro na wala silang access sa mga bank accounts ng mga politiicians na magiging mahirap para makabuo ng ebidensiya.
Mayroon na silang koordinasyon sa iba’t-ibang law enforcement agencies ukol sa nasabing usapin.
Magugunitang makailang ulit ng nagkaroon ng sagutan si Teodoro at ang Chinese Embassy ukol sa usapin ng agawan sa West Philippine Sea.
















