Hiningan ni Senador Erwin Tulfo si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ng kongkretong hakbang na inihahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa, mga sundalo, at mamamayan sa gitna ng patuloy na tensiyon sa West Philippine Sea.
Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Department of National Defense para sa 2027, tinanong ni Tulfo kung paano pinaghahandaan ng militar ang mga posibleng banta sa seguridad ng bansa.
Binanggit din ng senador ang pangambang nabuo sa publiko dahil sa mga naunang pahayag ng ilang opisyal tungkol sa posibleng pag-atake sa Pilipinas, kabilang ang paggamit ng nuclear weapons.
Ayon kay Tulfo, mahalagang matugunan ang ganitong pangamba at maipaliwanag sa publiko ang mga paghahandang isinasagawa ng pamahalaan upang maprotektahan ang bansa sa harap ng mga posibleng banta.
Dahil dito, humingi siya ng paglilinaw kay Teodoro hinggil sa mga konkretong hakbang ng Department of National Defense at AFP upang matiyak ang seguridad ng teritoryo at kaligtasan ng mga Pilipino














