-- Advertisements --

Nakatakdang tanggapin na ng Philippine Air Force (PAF) ang pitong S-70i Black Hawk.

Sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Christina Basco na ang pitong Black Hawk helicopter ay bahagi ng 32-helicopter na na binili ng gobyerno para sa modernization program.

Gaganapin ang turn-over, acceptance at blessing ceremony sa 250th Presidential Airlift Wing Hangar at Col. Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.

Magiging pangunahing pandangal sa nasabing turn-over si PAF Commanding General Lt. General Arthur Cordura.

Ang nasabing dagdag na helicopters ay magpapalakas sa kapabilidad ng Air Force para magsagawa ng paglilipat ng mga sundalo at personnel.

Kasama na rin dito ang humanitarian assistance at pagresponde sa tuwing mayroong mga kalamidad.

Dagdag pa ni Basco na ang mas malaking Black Hawk ay magbibigay sa PAF ng mabilis na air support sa national defense at emergency operations.