Naging mapayapa at maayos ang idinaos na special election sa Barangay Dicamay, Jones, Isabela.

Ito ang iniulat ni Philippine National Police spokesperson Police Col. Bernard Banac matapos na magsara ang botohan bandang alas-6:00 kagabi.

Ayon kay Banac, matagumpay na naihatid ng Board of Election Inspectors na may kasamang police sscort ang lahat ng election paraphernalia sa municipal hall.

Naiparating din ang resulta ng halalan sa Municipal Board of Canvassers pagsapit ng alas-7:30 kagabi.

Kung maaalala, naantala ang eleksyon sa naturang barangay nang sunugin ng mga armadong kalalakihan ang dalawang vote counting machines noong araw mismo ng May 13 midterm elections.