Reading Time: 1 minute

Sinimulan na ng Commission on Audit (COA) ang kanilang special audit sa P75 billion coconut levy fund.

Ayon kay Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado na nag-sponsor sa P12.29 billion budget ng COA para sa susunod na taon, ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng special audit ang komisyon sa nasabing pondo.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi makapagbigay ng timeline ang COA kung kailan matatapos ang kanilang audit.

Bukod dito, sinabi ni Alvarado na sinisilip din ng COA ang iba pang mga issue na isinusumbong sa kanila kabilang na ang sinasabing katiwalian na maaring mangyari sa coco levy fund.