Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa Department of Education (DEPED) lalo na sa mga pangangailangan nito upang mapaganda pa ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Sa talumpati ni Romualdez sa National Teachers programme ngayong araw kaniyang binigyang diin ang ginagawang hakbang ng Kamara para maibigay ang pangangailangan sa education sector.
Sinabi ni speaker kaniyang sisiguraduhin na madadagdagan ang mga classrooms at bibigyan ng mga kagamitan gaya ng mga computer at laptops ang mga guro na mahalaga para sa kanilang pagtuturo.
Bukod pa dito siniguro ni Speaker na kanilang isusulong na itaas ang sahod ng mga guro.
Pagtiyak ni Speaker hindi lamang ito basta salita kundi mararamdaman ito ng mga guro at ng DepEd.
Kinilala din ni Speaker ang mahalagang papel ng mga guro sa pagtuturo sa mga kabataan.