Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang agarang pag-apruba sa panukala na makatutulong sa kampanya ng gobyerno laban sa smuggling lalo na sa mga produktong pang-agrikultura gaya ng sibuyas.
Ang panukalang Anti-Agricultural Smuggling Act ay isa sa mga panukala na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad maisabatas at napagkasunduan na bibigyang prayoridad sa nakaraang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Sa pagpupulong ng LEDAC noong Miyerkules, Hulyo 5, napagkasunduan na gagawing prayoridad ng Kamara at Senado ang pagpasa sa 20 panukala bago matapos ang taon.
Sinabi ni Speaker ang pagsasabatas sa naturang panukala ay siyang mag institutionalize at mag improve sa mga mekanismo at patawan ng mabigat na parusa laban duon na sangkot sa smuggling ng mga agricultural products, kabilang ang sibuyas.