Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang suporta sa Marcos Jr administration sa mga hakbangin nito na magpapababa pa sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Itoy matapos pinapurihan ni Romualdez ang gobyerno sa pagsugpo sa inflation na bumaba sa 2.8 pecent nuong buwan ng Enero mula sa 3.9 percent nuong buwan ng Disyembre.
Ang inflation figure ay mas mababa kaysa sa 8.7% rate na naka-pegged para sa Enero 2023.
Binigyang-diin ni Speaker na kailangan pa rin na palakasin ang mga hakbang para mapanatiling mababa ang inflation.
Siniguro naman ni Romualdez na may mga batas na mag garantiya sa pag regulate sa mga presyo sa merkado at protektahan ang mga consumers.
Kamakailan lamang inatasan ni Romualdez na imbestigahan ang pagpapatupad sa batas na nagbibigyang ng 20 percent discount para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).
Inilunsad din ni Speaker kamakailan ang Cash and Rice Distribution (CARD) Program sa pakikipain partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) last year as a response to the call of President Marcos Jr. to provide rice and financial assistance to the poor through the country’s legislative districts.