-- Advertisements --

Pinag-iingat ni House Speaker Martin Romualdez ang publiko na mag-ingat at sumunod sa mga alituntuninng inilibas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay sa volcanic smog o “vog” na ibinubuga ng Bulkang Taal.

Batay sa inilabas na pahayag ng Office of the Speaker mahigpit nitong pinapayuhan ang mga lugar na apektado ng “vog” na magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay at regular na ipasuri ang kalidad ng hangin sa kanilang mga lugar.

Pinayuhan din ang publiko na maghanda ng emergency kits ang mga apektado ng pagbuga ng abo ng bulkan gaya na lamang ng tubig, pagkain at iba pa.

Nabatid na ilang lugar na rin sa Metro Manila , Batangas, Cavite at Laguna ang nagdeklara ng suspensyon ng klase dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.