Nakiramay at nagbigay-pugay si House Speaker Martin Romualdez sa yumaong si Sen. Rodolfo “Pong” Biazon.
Siya ay pumanaw ngayong Araw ng Kalayaan sa edad na 88-anyos.
Bukod sa pagiging dating senador, si Biazon ay naging miyembro rin ng Kamara at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1961, at naging ika-21 chief-of-staff ng AFP.
Nakarating kay Speaker Romualdez ang balita ng pagpanaw ni Biazon habang ito ay nasa Caloocan City para sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng bansa.
“A brave soul has been summoned back to God’s army on a day that we Filipinos associate with bravery. That is a fitting tribute to Pong Biazon by the Almighty, telling us to emulate the great Filipino that he was,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Si Biazon ay naging miyembro ng Kamara mula 2010 hanggang 2016 at naging senador mula 1992 hanggang 1995 at 1998 hanggang 2010.
Kabilang sa mga panukala ni Biazon na naging batas ang Republic Act (RA) No. 9208, Anti-Trafficking in Persons Act; RA No. 9161, reforming the renting industry; RA No. 7835, Comprehensive and Integrated Shelter Finance Act; RA No. 7898, An Act providing for the Modernization of the Armed Forces of the Philippines; RA No. 7742, changing the mandatory membership to the Pag-Ibig Fund; RA No. 7901, creation of the region of Caraga (Region XIII); RA No. 7889, establishing the University of the Philippines Mindanao; RA No. 7863, the Home Guaranty Corporation Law; at RA No. 7691, Expanding the Jurisdiction of MTC’s, MCTC at METC.
Itinulak din ni Biazon ang Joint Resolution No. 7, na nagtataas sa subsistence allowance ng mga sundalo at pulis; RA No. 8763 na nag-aamyenda sa Home Guarantee Corporation Act; RA No. 9040 na nagbibigay ng tax exemption sa allowance at iba pang benepisyo ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines; RA No. 9049 na nagbibigay ng buwanang gratuity at prebilehiyo sa mga nagawaran ng Medal of Valor; at RA No. 10354, o ang Reproductive Health Act.