-- Advertisements --

Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang pananambang sa grupo ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. nuong Biyernes sa bayan ng Maguing na ikinasawi ng apat nitong security escort at ikinasugat ng 2 iba pa kabilang ang gobernador.

“I strongly condemn this assassination attempt on Gov. Adiong, which left four of his security details dead. This senseless act of violence has no place in a civilized society like ours,” pahayag ni Romualdez.

Kasabay nito, nanawagan si Romualdez sa mga law enforcement agencies na tukuyin, arestuhin at panagutin sa batas ang mga gunmen na namaril sa convoy ni Gov. Adiong habang bumabagtas sa kahabaan ng highway sa pagitan ng Maguing at Manabilang patungo sana sa bayan ng Wao, Lanao del Sur ng mangyari ang insidente.

“I want the gunmen identified and whoever is the mastermind unmasked. I want them all to be placed behind bars and brought to the bar of justice as soon as possible.I call on our law enforcement agencies: waste no time in running after the perpetrators of this dastardly crime. They need to restore peace and order in the province immediately.” pahayag ni Speaker Romualdez.

Nagpaabot naman si Romualdez ng kaniyang taos pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing security escort ni Adiong at tiniyak na ibibigay ang kinakailangang tulong para sa mga ito.

“I grieve with the families of those who were killed and I pray for the safety and speedy recovery of our dear governor. We, in the Lakas-CMD, will extend all assistance necessary,” ayon pa sa House Speaker.

Si Adiong , miyembro ng partido pulitikal ni Romualdez ay kasalukuyang Vice President ng Lakas- CMD ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang gobernador ay nakatatandang kapatid ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong.

Samantala, ayon naman kay Representative Adiong, walang natatanggap na death threat ang kaniyang kapatid at wala din naman rido ang kanilang pamilya.

Panawagan ng pamilya Adiong na mabigyan ng hustisya ang nangyari lalo na ang apat na security escort na nasawi sa pag protekta sa gobernador.