Mariing itinanggi ni House Speaker Martin Romualdez na kaniyang inutusan ang mga congressmen na mangalap ng pirma para sa People’s Initiative para sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution partikular ang economic provision.
Ito ang rekasiyon ni Romualdez kaugnay sa sinabi ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na mayroon umanong isang kongresista ang nagsabi sa kanya na ang pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative ay alinsunod sa direktiba ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker hindi niya alam kung ano sinasabi ni Senator Dela Rosa.
Inihayag ni Romualdez na no comment na siya sa isyu lalo at hindi pinangalanan ni Dela Rosa ang nasabing Kongresista.
Magugunita na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay pabor na amyendahan ang 1987 Constitution partikular ang economic provisions.