Ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez ang isang komprehensibong imbestigasyon ng Kamara hinggil sa mga criminal activities na kinasasangkutan ng mga POGO operators.
Ang direktiba ni Speaker Romualdez ay tugon sa nakaka-alarmang ulat ng mga criminal activities na may kaugnayan sa illegitimate Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs)
Ang nasabing hakbang ay patunay sa commitment ng gobyerno na sugpuin ang mga iligal na aktibidad.
Sinabi ni Speaker na nakakabahala ang mga nangyayaring insidente hinggil sa patuloy na operasyon ng mga illegal operators sa kabila ng mahigpit na regulasyon.
Panahon na rin na hubaran ng masakara ang mastermind at protector ng nasabing iligal na aktibidad.
Binigyang-diin ni Romualdez na hindi nila hahayaan na mamamayagpag ang mga tinaguriang rogue POGO operators.
Paliwanag naman ni Speaker na layon ng congressional investigation suriin ang ibat ibang criminal activities kabilang ang money laundering, human trafficking, at iba pang mga offenses na kagagawan ng mga illegitimate POGOs.
Layon din ng pagdinig na tukuyin ang mga gaps sa kung bakit hindi masugpo sugpo ang iligal na operasyon ng mga POGO at hindi mahuli huli ang mga operators.
Ipinunto din ng House Leader na ang kahalagahan ng congressional investigation ay mapanatili ang integridad ng bansa at hindi lamang ito sa pagpapatupad ng batas kundi protektahan ang economic stability at ng mamamayan ang sambayanang Filipino.
Siniguro naman ni Romualdez sa publiko na ang magiging resulta ng imbestigasyon ay hahantong sa repomra na tuluyang lipulin ang iligal na operasyon ng POGO sa Pilipinas.
Giit ni Speaker na ang imbestigasyon ay mahalagang hakbang para maibalik ang peace and order at ang tiwala ng publiko sa institusyon.